TUGUEGARAO CITY- Ipinaalala ng Environment and Management Bureau o EMB sa mga Local Government Units na gamitin ang pondo na nakalaan para sa solid waste management.

Ginawa ni George Canapi, SWM coordinator ng EMB Region 2 ang pahayag dahil sa may ilang LGUs ang hindi pa nagagamit ang kanilang pondo para sa solid waste management.

Sa katunayan aniya, may mga LGUs na hindi wala pang material recovery facility na ang pondo ay mula sa solid waste management.

Ipinaliwanag ni Canapi na hindi makakakuha ng karagdagang assistance ang isang LGU mula para sa solid waste management kung wala silang maipapakitang liquidation sa 50 percent ng pondo para sa nasabing hakbang.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ni Canapi na sayang din ang nasabing pondo kung hindi gagamitin sa nasabing hakbang na ang layunin ay ma-regulate ang mga basura.

Vc canapi jan 8

Samantala, nanawagan si Canapi sa mga LGUs na magpasa ng ordinansa na magbabaewa ng single use plastic kasabay ng “Zero Waste Month”.

Ayon sa kanya, na limitado rin ang kakayahan ng EMB upang tuluyang maipagbawal ang paggamit ng plastic.

Vc canapi jan 8 b