Madaling araw pa lang ngayong araw ay marami ng tao sa Calvary Hills kung saan matatagpuan ang life size stations of the cross .
Panata kasi ng ilang mamamayan mula sa ibang lugar ang maglakad, mag-biking,mag-motorsiklo,habang ang iba ay gamit ang kanikanilang mga sasakyan na magtungo sa Calvary ng madaling araw.
Halos hindi mahulugan ng karayom ang simbahan sa nasabing lugar dahil sa dami ng mga tao.
Mahigpit naman ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad at mga barangay officials.
Isa rin sa dinarayo ng mga deboto tuwing Semana Santa sa Cagayan ay ang Basilica Minore of Our Lady of Piat.
Ang shrine ay itinuturing na Pilgrimage Center of the North at tahanan ng 407-year-old Black Virgin Mary,Our Lady of Piat
Samantala,ngayon pa lang ay may ilang mamamamyan na ang nagtatayo ng kanilang mga tent sa ilog Cagayan sa Tuguegarao City para sa kanilang picnic bukas, Sabado De Gloria.
Ito ay sa kabila na may paalala ang City Environment and Natural Resources na bawal ang maligo sa nasabing ilog dahil sa polluted ito.
Naka-standby naman ang mga rescuers sa ilog para sa anumang emergency.
Marami na ring mga pulis ang nagbabantay sa mga pook pasyalan at mga simbahan dito sa Cagayan.