Inihayag ng Philippine Army ang neutralisasyon ni Edgar Arbitrario, isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) mula sa Mindanao, sa isang engkwentro sa mga tropa ng gobyerno sa bayan ng Peñablanca sa Cagayan.

Ayon kay Capt. Eduardo Parugal Jr., hepe ng public affairs office ng 5th Infantry Division (ID), si Arbitrario ay kilalang lider ng komunista na may mahabang kasaysayan ng karahasan at terorismo sa Mindanao.

Idinagdag ni Parugal na lumipat si Arbitrario sa Northern Luzon at naging sekretaryo ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley.

Sinabi rin niyang si Arbitrario ay taga-Davao City at nag-aral ng Civil Engineering bago sumali sa kilusang komunista noong dekada 1990.

Ayon kay Maj. Gen. Gulliver Señires, commander ng 5th ID, magpapatuloy ang gobyerno sa pagtupad ng kanyang mandato na tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa Northern Luzon.

-- ADVERTISEMENT --