TUGUEGARAO CITY-Sumuko sa tropa ng gobyerno ang limang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Nailigtas ng puwersa ng 95th Infantry battalion, 5th Infantry Division Philippine Army, Police Regional Mobile Force Battalion 2 at Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang mga rebelde na kinilalang sina ka Renato, Ka Jaime, Ka Kanoy, Ka Butoc at Ka Didag na mga miyembro umano ng Sub Guerilla Unit of Central Front Committee, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (SGU, CFC, KR-CV).

Ayon sa report ng 5th Infantry Division, tatlo sa limang sumuko ay kasapi umano ng katutubong agta na ni-recruit sa bulububundukin ng Sierra Madre.

Nagbalik loob umano ang mga ito dahil sa kahirapan na naranasan sa grupo ng mga NPA.

Ayon kay Lt.Col. Gladiuz Calilan, commander ng 95th IB na isasama ang mga ito sa integrated farmers association sa 5th ID para mabigyan sila ng ayuda.

-- ADVERTISEMENT --

Pinuri naman ni Brigadier Gen. Laurence Mina, Commander ng 5th ID ang tropa sa patuloy na pagbibigay ng impormasyon para malinawan laban sa ginagawang panlilinlang ng makakaliwang grupo para makapag-recruit ng mga aanib sa kanilang grupo.With reports from Bombo Marvin CAngcang