TUGUEGARAO CITY- Patay ang isang lineman ng internet habang sugatan ang dalawang iba pa matapos makuryente habang nagsasagawa ng wiring sa poste sa Tuguegarao City.

Ayon kay PLT Isabelita Gano ng PNP Tuguegarao, nagkakabit ang isa sa mga biktima na si Oliver Fontanilla, 23-anyos ng Lasam ng linya ng fiber optic sa isang poste sa Barangay Pengue Ruyu nang aksidente siyang nahulog dahil sa napigtas na rubber rope.

Tinangka namang sumaklolo ng kasamahan niyang sina Ysmael Tumamao, 22 ng Sanchez Mira at Gerard Bumagat, 24-anyos ng Naguilian, Camiguin Island pero nakuryente ang mga ito sa live wire ng Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO) kung saan sumabit si Fontanilla.

Dead on the spot si Tumamao habang nagpapagaling na sa pagamutan ang dalawang iba pang biktima.