Naglabas si Senate impeachment court Presiding Officer Francis Escudero ng ilang pahayag na umano’y lumabag sa Rule 18, na nagbabawal sa mga senator-judge, prosekusyon, depensa, at kanilang mga testigo na magkomento sa publiko tungkol sa merito ng impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Kabilang dito ang mga pahayag na nagsasabing “may banta talaga,” “the complaint is not supported by evidence,” “bank records don’t lie,” “you violated the public trust,” at “it’s a scam masterminded by the Vice president.”

Bagama’t hindi na paparusahan ang mga naunang pahayag, nagbabala si Escudero na mahigpit nang ipatutupad ang Rule 18. Unang paglabag ay maaaring mauwi sa public reprimand, habang ₱30,000 multa ang maaaring ipataw sa ikalawa at mga susunod na paglabag.

Maaari ring i-refer sa Supreme Court o Office of the Bar Confidant ang mga abogado para sa posibleng disciplinary action.

-- ADVERTISEMENT --