Naisumite na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng ‘Potential Election Areas of Concern’ sa Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang listahan ay nakadepende sa Comelec dahil sasailalim pa ito sa validation ng joint security council.
Dagdag pa ni Fajardo, mayroon silang apat na kategorya para sa mga validated election-related incidents kung saan maaaring maihanay sa ‘yellow category’.
Sinabi pa ni Fajardo ang naging parameters ng PNP para mapabilang ang isang lugar bilang potential election areas of concern ay ang mataas na kaso ng intense political rivalry at ang presensya ng mga private armed groups.
Samantala, ayon sa Commission on Elections (Comelec) sasailalim pa sa validations ang nasabing listahan ng PNP.
Sa ngayon hindi pa nakikita ng poll body na ideklara ng ‘areas of concern’ ang mga nasabing lugar para sa nalalapit na 2025 midterm elections.