Nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) na madaliin ang pagtukoy sa mga lugar kung saan itatayo ang evacuation centers, lalo’t papalapit na ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, hindi agad matatapos ang mga pasilidad ngayong taon kaya mahalagang mapili na agad ang mga lokasyon.

Isa sa mga hamon ay ang kakulangan ng lupaing pag-aari ng gobyerno na maaaring pagtayuan ng mga evacuation center.

Hindi kasi maaaring bumili ng pribadong lupa dahil sa mahal at mahabang proseso.

Bukod sa lokasyon, mahalaga ring masunod ang disenyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

-- ADVERTISEMENT --

Dapat may sapat na espasyo para sa pag-aaral, mga nanay na nagpapasuso, lutuan, dasalan, at may tubig at kuryente.