TUGUEGARAO CITY-Nasa kostodiya na ng PNP Sto.Niño,Cagayan ang isang lolo na inaresto sa Makati City dahil sa kasong rape.
Sinabi ni Police Captain Ranulfo Gabatin,hepe ng PNP Sto.Niño na agad silang nagtungo sa Makati City nang malaman nila na nagtatrabaho doon si Antonio Daquiaog Sr.matapos silang makipag-ugnayan sa Southern Police District.
Ayon kay Gabatin,ginawa ng akusado ang krimen noong 2013 kung saan ang kanyang naging biktima umano ay ang kanyang pamangkin na noon ay 7 years old lamang.
Sinabi pa ni Gabatin na number 2 wanted sa municipal level si Daquiaog.
-- ADVERTISEMENT --