Pinagkakaguluhan ng media users ang clips ng isang lalaki na kahawig ni Keanu Reeves sa kanyang pelikula na John Wick na nagbebenta ng street food sa Thailand na nagbunsod ng mga teorya na ang stylish assassin ay nagretiro na sa nasabing bansa.
Nitong mga nakalipas na araw, lumabas ang isang short video na may caption na “John Wick stopped killing people and turned to selling coffee and grilled squid” na naging laman ng mga balita dahil ang lalaki sa video ay kahawig ni ni John Wick, ang sikat na action film character.
Sumunod ang iba pang videos ng misteryosong John Wick ang lumabas, kabilang ang nakasuot siya ng suit na may puting tie, tulad ng action hero.
May nagbiro na baka may misyon si John Wick sa Thailand, habang may ibang nagsabi na maaaring sawa na siya sa pagpatay ng mga masasamang tao at ginusto na lang na maging street food seller.
Naging senasation ang nasabing lalaki, kung saan maging ang mga malalaking new outlets sa Thailand ay nahirapan na siya ay kilalanin.
Sa huli, inilabas ng kanyang asawa ang tunay nitong pagkakakilanlan.
Ang real-life John Wick palaay isang German na bumibisita sa kanyang asawa sa Thailand.
Sinabi ni Tuk na napansin niya na may hawig ang kanyang asawa kay John Wick noong sila ay nasa Germany pa, kaya iminungkahi niya dito na pakulayan ang kanyang buhok na blonde at maging ang kanyang balbas.
Gumana naman ang kanyang ideya dahil sa marami ang nagpakuha ng larawan sa kanyang asawa sa Germany.
At nang bumiyahe sila sa Thailand ay ganito rin ang naging reaksion ng mga nakakita sa kahawig ni John Wick.
Sa ngayon ay mayroon na itong 4.7 million views, kaya naman local celebrity ngayon ang German na ang tunay na pangalan ay Andreas.