
Ayon sa PAGASA, may posibilidad na mabuo ang isang low-pressure area (LPA) sa susunod na mga araw na may “low to moderate” chance na maging tropical cyclone.
Maaaring maapektuhan nito ang silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Kasabay nito, magdadala ng ulan ang shear line sa Bicol, Romblon, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao.
Sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, mananatili ang malamig na panahon at bahagyang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.










