Makulimlim at may mga pag-uulan sa halos buong bansa, lalo na sa Luzon, Visayas, at hilaga at kanlurang mga bahagi ng Mindanao, dahil sa low pressure at enhanced habagat.
Mga localized thunderstorm naman ang posibleng magpaulan sa nalalabing bahagi ng Mindanao.
Ang binabantayang LPA ay huling namataan ng weather bureau sa layong 400 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, kaninang 3:00 a.m. na nakakaapekto sa northern Luzon.
Ngayong Lunes, ang LPA ay magdudulot na ng makulimlim na papawirin at kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorm sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Aurora, na posibleng mas dumalas sa mga suusnod na oras.
𝗠ataas 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄, at kung sakali ay ang susunod na pangalan sa listahan ay Gener.
Patuloy na ipinapakita ng mga weather model na kikilos ito pakanluran at 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘄𝗶𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻-𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗮𝗿𝗲𝗮 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 (𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀) bilang isang Tropical Depression o Tropical Storm.
Samantala, isa pang LPA ang namataan sa layong 2,605 kilometro sa silangan ng southeastern Luzon kaninang 3:00 a.m.
bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin at tiyansa ng mga saglit na pag-ulan at localized thunderstorm ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ito ay may taglay ng lakas ng hanging umaabot sa 65 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 80 km/h.
Kasalukuyan itong kumikilos pa hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.
Nananatiling mababa 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗼 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 sa loob ng tatlong araw, ngunit tutulong magpalakas ng habagat.