Posibleng mabuo ang isang loe pressure area o papasok ng Philippine area of responsibility sa weekend.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng mabuo ang LPA malapit sa extreme northern Luzon sa Biyernes o sa Sabado, Sept. 28.

Posibleng maapektohan ng sama ng panahon ang Batanes at Babuyan Islands.

Subalit, posible pa rin magbago ang sitwasyon.

Ngayong araw na ito, halos buong bansa ang makakaranas ng magandang panahon.

-- ADVERTISEMENT --