Mataas na ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa malayong silangan ng Mindanao.
Sa mga susunod na araw, ito ay posibleng lumapit pa sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas at hindi inaalis ang posibilidad na maglandfall.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 930 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao. Kumikilos ito pahilagang kanluran
Nasa Philippine Sea at malayo pa sa kalupaan ang binabantayang Low Pressure Area (LPA), ngunit ang trough o extension ng mga kaulapan nito ay nagdudulot ng paminsan-minsang mga pag-ulan at thunderstorm sa malaking bahagi ng Mindanao at Eastern Visayas, partikular sa Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Sarangani, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, at Bohol.
Ang habagat at trough ng Tropical Storm #IsangPH (#Kajiki) ang nagdudulot rin ng paminsan-minsang mga pag-ulan at thunderstorm sa malaking bahagi ng Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas, partikular sa Metro Manila, Ilocos Region, CAR, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at hilagang bahagi ng Bicol Region.
P𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗼 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻-𝗘𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗩𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮𝘀-𝗖𝗮𝗿𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗿𝗲𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝟮-𝟯 𝗮𝗿𝗮𝘄 at magdulot na ng mga pag-uulan sa malaking bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮 𝗴𝗮𝗻𝗼𝗼𝗻 𝗸𝗮𝘁𝗶𝘆𝗮𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗺𝗯𝘂𝗸𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘁𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 sa mga susunod na araw, ngunit 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 sa malaking bahagi ng bansa ngayong linggo kaya patuloy na mag-antabay sa mga updates.