Mas lalo pang mapapalaki ang gastusin ng mga pamilyang Pilipino, mga restawran, at food vendors sa pagbili ng liquefied petroleum gas (LPG) matapos magpatupad ang mga oil company ng malalaking dagdag-presyo na umaabot hanggang P403 kada 11-kilogram (kg) na tangke.

Ayon sa Seaoil Philippines Inc., sa ilalim ng Seagas, tumaas ang presyo ng LPG ng P36.63 kada kilo.

Samantala, sa hiwalay na abiso, sinabi ng Solane na nadagdagan ng P17 kada kilo ang kanilang LPG.

Ipinahayag naman ng Petron na nagpatupad ito ng P20 kada kilo na pagtaas.

Ang mga dagdag-presyo na ito ay epektibo simula ngayong Abril 1.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Solane at Petron, ang pagtaas ng presyo ay nakaayon sa paggalaw ng international contract price ng LPG para sa kasalukuyang buwan.