
Pansamantalang sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P12 kada litro na fuel discount para sa public utility jeepneys at UV Express.
Nagsimula ang suspensyon noong Biyernes, kasabay ng election ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon sa LTFRB, hinihintay pa nito ang approval ng Commission on Elections (Comelec) para maipagpatuloy ang pamamahagi ng fuel discount.
Sa ilalim ng election ban, ipinagbabawal ang pag-release, paglalaan o paggastos ng pampublikong pondo para sa social welfare at social services, maliban kung awtorisado ng Comelec.









