Ipinarerekunsidera ng election lawyer at petisyuner na si Atty. Romulo Macalintal sa Korte Suprema ang makaraan desisyon ukol sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026.

Muling dumulog sa Kataas-taasang Huluman ang naturang abogado sa kanyang inihaing ‘Motion for Partial Reconsideration’.

Nais ni Atty. Macalintal na matuloy pa rin ang nabanggit na eleksyon sa mga barangay sa kabila ng naging desisyon ng hukuman.

Kaya’t nagmungkahi ang petisyuner ng ‘win-win solution’ na tiyak umanong pabor para sa magkabilaang panig.

Ipinadedeklara niyang ‘constitutional’ ang kapangyarihan ng kongreso na i-extend ang termino ng mga ‘barangay at SK officials’ habang ang pagkakaudlot naman ng eleksyon ay iginiit dapat ituring ‘unconstitutional’.

-- ADVERTISEMENT --

Mula kasi sa nakatakda sanang eleksyon ngayong Nobyembre 2026, nailipat ito sa taon 2028 buhat nang ipagtibay ng korte ang Republic Act No. 12326.

Ito’y mariin tinututulan ng abogado kaya’t hiling na maataasan ang Commission on Elections na isagawa sa pinakapraktikal at lalong madaling panahon ang BSKE.

Dagdag pa niya sa mga kahilingan ang pagkakaroon ng ‘oral arguments’ sa pagresolba ng hukuman sa kanyang inihaing mosyon.