TUGUEGARAO CITY-Tatanggap na ng walk-in transactions ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Region 02 simula sa araw ng Lunes, Agosto,3, 2020.

Sa inisyatiba ni Regional Director Edward Cabase ng LTFRB-Region 02, ito’y para makapagproseso ang kanilang ibang kliyente na hindi nasasaklawan ng online transactions na kasalukuyang ipinapatupad ng kanilang opisina.

Kailangan lamang aniya na kumuha ng advance appointment sa book now sa kanilang facebook page na aaprubahan ng naturang ahesiya.

Sa online appointment ay may ibibigay na code na ipapakita sa security guard para makapasok sa loob ng ahensiya at makapagproseso ng mga kinakailangang dokumento.

Ipapatupad ng naturang tanggapan ang “no appointment, no transactions” policy para matiyak na hindi magiging siksikan sa loob ng opisina a maobserba ang social distancing bilang pag-iingat sa covid-19.

-- ADVERTISEMENT --