Ipinag-utos ng Commission on Audit (COA) sa Land Transportation Office (LTO) na tugunan ang audit findings kaugnay sa proyekto nito kasama ang Dermalog o mahaharap ito sa disallowance of payments na nagkakahalaga ng P1.27 billion.

Ang Dermalog – isang German information technology contractor – ang nasa likod ng online portal Land Transportation Management System (LTMS) ng ahensiya.

Sa isang liham na ipinadala ng COA na may petsang Nov. 29, 2024, nakasaad na ang notice of suspension ay tumutukoy sa Road IT Infrastructure Project – Component A o LTMS ng LTO.

Sinabi ng COA na sinuspinde nito ang pag-audit ng ilang items sa LTMS project sa pagitan ng 2019 at 2022 matapos na ang LTO ay di umano’y hindi nagsumite ng tugon nito sa AOM.

Ang natuklasan ay base sa assessment ng 13 Technical Evaluation and Inspection Reports (TEIRs) na may petsang mula March 13 hanggang September 13, 2023.

-- ADVERTISEMENT --

Kinokonsidera naman ang LTMS bilang cornerstone ng five-year IT modernization program ng LTO upang maging episyente ang ahensya at bigyan ang mga kliyente ng kaginhawaan sa online service.

Matatandaang Marso ng nakaraang taon, sinabi ng LTO na pinag-aaralan nitong mabuti ang posibilidad na mapawalang-bisa ang kontrata sa Dermalog.