Isang driver ang inisyuhan ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) matapos umanong manakit ng empleyado ng gasolinahan sa Bacoor, Cavite.

Sa video na kumakalat online, makikita na hindi lamang nakipagtalo ang driver kundi nauwi pa ito sa pisikal na pananakit sa biktima matapos ang hindi pagkakaunawaan sa transaksyon.

Dahil dito, agad na sinuspinde ang lisensya ng driver sa loob ng 90 araw.

Inilagay rin sa alarm status ang sasakyan habang iniimbestigahan ang kaso.

Inaatasan ang driver na magpaliwanag sa LTO kung bakit hindi siya dapat managot sa posibleng paglabag bilang hindi karapat-dapat magmaneho.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ang hindi naman pagharap sa pagdinig ng drayber ay maaaring magresulta sa desisyon batay sa ebidensya laban sa kanya.