
Pinalawig ng Land Transportation Office ang bisa ng mga lisensya at rehistro na mag-e-expire simula Abril 2026 ng tatlong buwan, kasunod ng deklarasyon ng State of National Energy Emergency.
Saklaw ng extension ang driver’s license, conductor’s license, student permit, at motor vehicle registration.
Ayon sa LTO, layunin nitong mabawasan ang gastusin ng publiko sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at mga bilihin.
Wala ring ipapataw na multa o penalty sa mga magre-renew sa loob ng extension period.
Kasabay nito, nagbabala ang ahensya laban sa mga fixer at sinabing mahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang sinumang sangkot dito.
-- ADVERTISEMENT --
Hinimok din ng LTO ang publiko na dumaan sa tamang proseso sa kanilang mga transaksyon.






