Tuguegarao City- Isinailalim sa temporary lockdown ang bayan ng Luna, Apayao matapos makapagtala ng dalawang bagong kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na advisory ni Apayao Governor Eleanor Bulot Begtang, ito ay bilang pag-iingat pa rin sa pagkalat ng virus sa kanilang lalawigan.
Ang dalawang medical frontliners na nagpositibo sa virus ay kapwa may travel history mula sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Nagpag-alaman pang lumuwas pa sa Tuguegarao ang isa sa mga ito bago sumailalim sa swab test na bahagi ng expanded testing sa mga medical frontliners.
Sa ngayon ay patuloy namang isinasagawa ang contact tracing upang matukoy ang mga posileng nakasalamuha ng mga pasyente mula sa dalawang barangay sa bayan ng Luna.
-- ADVERTISEMENT --