Sinilbihan ng warrant of seizure and detention ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) ang ilang luxury vehicle na umano’y pagmamay-ari ng dating Ako Bicol Party-list Representative na si Zaldy Co nitong Huwebes, Enero 8, 2026.

Kaugnay ito ng mga alegasyon ng maanomalyang flood control projects na inuugnay sa dating mambabatas.

Natagpuan ang mga sasakyan sa isang condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig City. Siyam na sasakyan ang sakop ng warrant, ngunit walo lamang ang kumpirmadong nasamsam.

Isinagawa ang operasyon ng BOC, PNP Highway Patrol Group, at Southern Police District, katuwang ang Independent Commission for Infrastructure.

Nauna nang nagsampa ang National Bureau of Investigation ng panibagong kasong plunder laban kay Co, na nananatiling pinaghahanap ng mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --