Mahigpit na pinababantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga ahensya ng pamahalaan ang kaligtasan at kaayusan sa biyahe ng publiko sa Holy Week.

Kasama na rin dito ang mga hindi bibiyahe at mananatili lang sa kanilang bahay.

Ipinaalala ng Malacañang ang responsibilidad ng mga empleyado ng gobyernong nakatoka mag-trabaho kahit holiday para mabantayan ang kaligtasan ng publiko sa posibleng banta ng krimen.

Inatasan na ni Pangulong Marcos ang mga ahensya ng pamahalaan na tiyakin ang maayos at mapayapang pagbiyahe ng publikong magbabakasyon at uuwi ng mga probinsya para sa Holy Week.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro mahigpit ang direktiba ng pangulo sa Department of Transportation na striktong inspeksyunin ang mga terminal, pantalan, at paliparan para matiyak na hindi maaantala ang mga biyahe at operasyon.

-- ADVERTISEMENT --