Hiniling ni election lawyer Romulo Macalintal kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-veto ang panukalang gawing limang taon ang termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan o SK officials.

Ayon kay Macalintal, maaaring lumabag sa karapatan ng mga botante ang pagpapaliban ng halalan at pagpapalawig ng termino ng mga nakaupong opisyal.

Kinuwestiyon din niya ang mga dahilang ginamit sa panukala, kabilang ang oil crisis, mga digmaan sa ibang bansa at problema sa pondo.

Samantala, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na may karapatan ang bawat isa na magpahayag ng kanilang posisyon sa usapin.

Nauna nang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang gawing limang taon ang termino ng barangay at SK officials at ilipat sa Nobyembre 2028 ang susunod na Barangay at SK Elections.

-- ADVERTISEMENT --