Kinumpirma ng epidemiology and surveillance unit ng Mandaluyong City na mayroon na silang kaso ng mpox o monkeypox.

Sa kanilang public adivsory na nakipag-ugnayan na ang kanilang mga opisina sa mga lokal at reginal health office para magsagawa ng mga health protocols kabilang ang case investigation, contract tracing, risk assesement at monitoring sa mga close contacts.

Hindi na naman nagbigay ng anumang impormasyon ang Mandaluyong City Government kung saan at paano nagsimula ang kaso ng Mpox.

Ang Mpox ay isang infectious disease na mula sa monkeypox virus.

Naipapakalat ito sa pagitan ng tao o mula sa hayop patungong tao.

-- ADVERTISEMENT --

Ang sakit ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng close contact sa isang taong infected ng nasabing sakit o sa pamamagitan ng mga nahawakan nito.

Magdudulot ito ng sintomas gaya ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng likod, muscles at pagkahapo.

Sinabi na rin ng World Health Organization (WHO) na madalang ang kaso ng pagkakasawi sa mga dinadapuan ng MPOX.