
Patay ang dalawang katao sa sunog sa residential area sa Barangay Tejeros sa Makati City kaninang madaling araw.
Kinumpirma ito ni Mayor Nancy Binay.
Sinabi ni Binay, batay sa report sa kanya ng Bureaa of Fire Protection, ang mga namatay ay mag-asawa.
Ayon sa BFRP Makati, nagsimula ang sunog kaninang 2 a.m. at umabot ito sa ikatlong alarma ng 2:35 a.m.
Nakontrol ang apoy ng 4:26 a.am. at idineklarang fire out ng 6:40 a.m.
-- ADVERTISEMENT --
Sinabi pa ng BFP na anim na katao, dalawang lalaki at apat na babae ang nasugatan sa insidente.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung magkano ang napinsalang ari-arian.








