TUGUEGARAO CITY-Patay ang isang padre de pamilya habang sugatan ang asawa nito matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa bayan ng Solana, Cagayan.

Kinilala ang namatay na biktima na si Arnel Agustin habang kinilala naman ang asawa nito na si Salvacion Agustin kapwa residente ng Brgy Sampaguita sa kaparehong bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binabaybay umano ng mga biktima ang kahabaan ng Brgy Maddarulug lulan ng kanilang pickup truck nang tapatan sila ng mga suspek lulan ng motorsiklo at pinagbabaril.

Hindi pa umano nakontento ang mga suspek at muling binuksan ang sasakyan ng mga biktima at muling pinagbabaril na dahilan ng pagkamatay at pagkasugat ng mga biktima

Nabatid na nakasuot lamang umano ng face mask ang mga suspek nang isagawa ang pamamaril.

-- ADVERTISEMENT --

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala..

Samantala, sinubukan umanong habulin ng kapulisan ang mga suspek ngunit naaksidente umano ang mga ito kung kaya’t hindi nagawang habulin.