TUGUEGARAO CITY-Patuloy na inaalam ng Department of Health kung maikokonsiderang ‘person under investigation’ (PUI) ang mag-inang napaulat na nakitaan ng senyales ng novel corona-virus sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay Pauleen Atal ng DOH RO2 na naka-isolate sa isang pagamutan sa Nueva Vizcaya ang mag-ina at patuloy na inoobserbahan dahil sa kanilang lagnat at pagsusuka.

Nabatid na kababalik lamang ng mag-ina sa bansang Hongkong na may kumpirmadong kaso ng nCov.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa ospital kung saan naka-admit ang mag-ina.

-- ADVERTISEMENT --