TUGUEGARAO CITY-Iniimbestihagan na ng kapulisan ang motibo sa pamamaril ng maglive-in partner dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Kinilala ang mga biktima na sina Simon Delos Santos at Monaliza Esquibi 31-anyos kapwa nagtatrabaho sa isang security agency at kapwa residente ng Brgy Pallua Norte.
Batay sa inisyal na imbestigayson ng pulisya, pauwi na umano ang mga biktima lulan ng kanilang kotse mula sa kanilang trabaho nang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilalang suspek na lulan naman ng motorsiklo sa Brgy Caritan Norte.
Nagtamo ng hindi pa mabatid na tama ng baril ang mga biktima na parehong nagpapagaling na sa pagamutan.
Hindi rin nakilala ang suspek dahil nakasuot umano ito helmet.
Sa ngayon, nirereview na ng kapulisan ang cctv sa lugar maging ang mga cellphone at iba pang gamit ng mga biktima para sa agarang pagresolba sa nasabing kaso.