TUGUEGARAO CITY- Binigyan diin ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan na mag-reresign siya kung may black sand mining sa Aparri, Cagayan.

Iginiit ni Mamba na dredging ang ginagawa sa Aparri.

Ipinaliwanag ni Mamba na sinunggaban lang niya ang oportunidad na may magsasagawa ng dredging na libre o walang babayaran ang pamahalaang panlalawigan.

Idinagdag pa ni Mamba na walang mali sa ginagawang dredging sa bukana ng ilog Cagayan sa Aparri dahil ang layunin nito ay muling buksan at maging operational ang Port Irene na ito umano ang magkokonekta sa lalawigan sa ibang bahagi ng mundo.

Reaksion ito ni Mamba sa resolusyon ng sangguniang panlalawigan na humihingi sa kanya ay kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang dredging para bigyang daan ang imbestigasyon kung nakatugon ang kumpanya na gumagawa ng dredging sa mga kailangang requirement at kung totoong black sand mining ang ginagawa sa ilog.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Gov. Mamba