Nagbitiw na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Special Adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Biyernes, Setyembre 26.

Sa resignation letter na ipinadala ni Magalong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sinabi niyang pinalamya umano ng mga pahayag ng Palasyo ang tungkulin at mandatong ipinagkatiwala sa kaniya.

Matatandaang ipinag-utos ng Pangulo sa kaniyang legal team na pag-aralan ang pagkatalaga kay Magalong bilang special adviser ng komisyon dahil sa posibleng conflict of interest.