Bubuksan ang isang spillway gate ng Magat dam mamayang 3:00 p.m.
Sinabi ni Carlo Ablan, division manager ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS)na 150 cubic meter per second ang pakakawalan mula sa bubuksan na spillway gate.
Ayon sa kanya, umaabot sa 1,200 cms ang inflow ng tubig sa dam bunsod ng mga pag-ulan kaninang madaling araw sa watershed area.
Sinabi ni Ablan na umabot na sa 186 meters ang lebel ng tubig sa dam at kailangan nang magpakawala ng tubig upang maiwasan na mabigla sa pagtaas ng water elevation.
Idinagdag pa ni Ablan na posibleng madagdagan ang bubuksan na spillway gate kung magdudulot ng mga pag-ulan ang binabantayan na sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility na tatawaging ‘Ferdie’ kung ito ay magiging ganap na bagyo.