DCIM\101MEDIA\DJI_0182.JPG

Nakatakdang magpakawala ng 200 cubic meter per seconds na tubig ang National Irrigation Administration (NIA) Magat Reservior mamayang alas dos ng hapon ngayong araw Abril 11,2022.

Sa paabiso ng pamunuan ng Magat dam, ito ay upang mapanatili sa ligtas na lebel ang tubig ng Dam dahil sa epekto ng pinalakas na weather system sa Magat Watershed Areas bunsod ng mga isolated thunderstorm na dala ng bagyong “AGATON”.

ang papakawalang tubig ay ay maaaring madagdagan depende sa lakas ng ulan sa mga watershed areas.

Pinapayuhan ang lahat na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib at ang mga gamit at alagang hayop ay mas mainam na dalhin na sa ligtas na lugar.