TUGUEGARAO CITY- Nagpakawala ng tubig ang Magat Dam na nasa bayan ng Ramon, Isabela kaninang alas tres ng hapon dahil sa tumataas na antas na tubig sa dam.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Engr. Wilfredo Gloria, Division manager ng NIA-Magat Reservoir na patuloy ang pag-ulan sa water shed area dahil sa tail end ng cold front.

Ayon kay Engr. Gloria nasa 1,629 cubic meters per second ang inflow o tubig na pumapasok sa magat dam habang ang outflow nito ay 285 cubic meters per second.

Dahil dito, binuksan ang isang spillway gate na may taas na isang metro o katumbas ng 200 cubic meter per second.

Inihayag ni Engr. Gloria na maaari itong madagdagan depende sa lakas ng ulan sa magat watershed area.

-- ADVERTISEMENT --

Posibleng maramdaman naman ang epekto nito dito sa lalawigan ng Cagayan sa loob ng 17 oras kung kaya’t pinag-iingat ang mga naninirahan malapit sa ilog Cagayan at iba pang mababang lugar. with reports from Bombo Marvin Cangcang

Tinig ni Engr. Wilfredo Gloria