TUGUEGARAO CITY-Nanindigan ang grupong Cordillera Bodong Aministration-Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA) na kanilang ipaglalaban na maging autonomous ang Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon kay Juanita Chulsi Vice President ng CBA-CPLA, taong 1986 pa nang simulang ipanawagan ng grupo na maging autonomous ang CAR pero hanggang ngayon ay wala pang nangyayari.
Dahil dito, nanawagan si Chulsi sa gobyerno na pakinggan ang kanilang panawagan at gawin itong urgent.
Ikinumpara pa ni Chulsi ang CAR sa Mindanao na una nang ginawang Autonomous gayong mas tahimik at payapa naman ang CAR kung pag-uusapan ang kapayapaan.
Kaugnay nito, sinabi ni Chulsi na marami sa kanilang mga miembro ang nakahanda pa ring lumaban para sa otonomiya ng CAR.
Bilang hakbang, nagpulong ang kanilang grupo sa iba’t-ibang probinsya kasabay ng Cordillera Day, ngayong araw para pag-usapan ang mga hakbang upang maigiit sa pamahalaan na paglaanan ng pansin ang naturang usapin.