TUGUEGARAO CITY-Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad kaugnay sa pamamaril ng riding-in tandem sa tatlong magkaka-mag-anak na ikinasawi ng dalawa sa bayan ng Camalaniugan, Cagayan.
Dead on the spot si Robert Tolento at namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Arjay Galapia habang malubhang nasugatan si Ronald Pascua, pawang mga residente ng Buguey, Cagayan.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Pol. Capt. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office na pauwi na ang mga biktima galing sa death anniversary ng kanilang kaanak sa Barangay Cullit at nag-aabang ng masasakyan sa Brgy. Bulala nang pinagbabaril ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril habang nagtamo ng maraming tama ng bala mula sa dipa matukoy na uri ng baril ang mga biktima.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa mga biktima.