TUGUEGARAO CITY-Huli ang maglive-in partner sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jonalyn Guimmayen, 45-anyos na kabilang sa regional priority list ng mga otoridad at Armando Dilay , 52-anyos kapwa residente sa Brgy.Maura.

Ayon kay Plt Noel Baccay ng PNP-Aparri, isang concerned citizen ang nagbigay sa kanilang himpilan ukol sa pagbebenta ng illegal na droga ng mga suspek sa lugar kung kaya’t agad silang nagsagawa ng operasyon.

Nang magkaabutan na ng illegal na droga sa pagitan ng poseur buyer at mga suspek ay dito na hinuli ang dalawa.

Nakuha sakanila ang tatlong illegal na shabu, bet money na P4,000 at ang ginamit na kotse ng mga suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, kasalukuyan ng inaalam ng inaalam ng PNP-Aparri kung saan kinukuha ng mga suspek ang kanilang ibinebentang illegal na gamot.