Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol na may lakas na Magnitude 4.5 ngayong Hulyo 9, 2026, alas-2:33 ng hapon.

Natukoy ang epicenter nito sa layong siyam na kilometro timog-kanluran ng Tuba, Benguet.Sanggunihang Pang-heyograpiko

Ayon sa ulat, may lalim na 10 kilometro ang lindol at naramdaman sa iba’t ibang lugar sa Cordillera at Hilagang Luzon.

Sa instrumental intensities, naitala ang Intensity V sa Lungsod ng Baguio, Intensity IV sa Aringay, La Union, Intensity III sa Sison, Pangasinan, Intensity II sa Urdaneta, Pangasinan, at Intensity I sa Cuyapo at Lingayen, Pangasinan.

Bagama’t walang agarang ulat ng pinsala o nasaktan, patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga safety protocols, lalo na sa mga lugar na madalas makaranas ng pagyanig.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire, dahilan kung bakit madalas makaranas ng lindol ang bansa.