
Isang magnitude 5.5 na lindol ang naitala sa timog-kanluran ng Baras, Catanduanes alas-11:10 ng Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala dahil sa pagyanig, ngunit nagbabala ang ahensya na maaari pa ring makaranas ng mga kasunod na aftershock.










