Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol na may lakas na magnitude 5.0 sa karagatan ng Currimao, Ilocos Norte nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang pagyanig alas-9:45 ng umaga, na may sentro sa layong 63 kilometro hilagang-kanluran ng Currimao. May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Intensity I sa San Nicolas at Laoag City sa Ilocos Norte, at sa Sinait, Ilocos Sur.

Walang inaasahang pinsala mula sa lindol ngunit posibleng magkaroon ng mga aftershock, ayon sa PHIVOLCS.