Tuguegarao City- Huli sa aktong paggamit ng ipinagbabawal na droga ang dalawang magpinsan sa Brgy. Centro 02, Claveria Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Levie Inay, 46 anyos, walang asawa, isang mangingisda at si Bonifacio Deleja, 40 anyos, may-asawa, tindero at kapwa residente ng Brgy. Centro 4 sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PMAJ Edgar Manuel Jr., dati na umanong nasa watch list ang pangalan ng dalawa na minamanmanan naman ng mga otoridad.

Samantala, nakuha mula sa pag-iingat ng dalawang suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.