
TUGUEGARAO CITY-Kulong ang isang magsasaka matapos mahulian ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bayan ng Solana,cagayan.
Ayon kay P/capt Jun Jun Balisi, Chief of Police ng PNP-Solana, nahuli ang suspek na si Jeffson Palatan,20-anyos ng Brgy Lanna matapos magsagawa ng buy-bust operation ang kanilang hanay.
Nakuha sa suspek ang pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa papel at dalawang piraso ng tig-P100
Nabatid na dati nang sumuko sa oplan Tokhang ng kapulisan ang suspek ngunit muli itong bumalik sa masamang gawain.
Sa ngayon, inaalam na ng kapulisan kung saan kinuha o binili ng suspek ang nakumpisakang marijuana.
-- ADVERTISEMENT --