TUGUEGARAO CITY- Kumbinsido umano ang pamilya na nagbigti ang kanilang kaanak kahapon ng umaga.
Sinabi ni Pmaj. Edwin Aragon, hepe ng PNP Gattaran, na tumanggi na ang pamilya na ipa-autopsy ang mga labi ni Jonald Dela Cruz, 24.
Ayon kay Aragon, sa kanilang imbestigasyon, bago ang pagbigti ng biktima ay balisa ito at nakaranas umano ng depression dahil umano sa mga hindi nababayarang utang.
Sinabi niya kahapon ng 5:00 am ay nagkape pa umano ang biktima at pumunta sa kanilang bukid.
-- ADVERTISEMENT --
Dito na nakita ng kanyang ama na nakabitin na ang biktima sa isang puno ng 9:00 am.