TUGUEGARAO CITY- Walang nakikitang foul play ang PNP sa pagkamatay ng isang magsasaka sa Lasam, Cagayan.

Sinabi ni PSSGT. Ronnie Vidad ng PNP Lasam, sa kanilang pagtatanong sa misi ng biktima na si Santiago Capili, 34, ng Cabatakan West ay may sinasabi ang kanyang mister na problema umano niya sa pamilya.

Ayon kay Vidad, gabi ng September 19 nang sinabi umano ng mister ang kanyang problema bago sila natulog.

Subalit, nagulat na lang ang misis kinaumagahan na nakabitin na at wala nang buhay sa kanilang terrace ang kanyang asawa.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, hindi na idinetalye ng misis kung ano ang problema ng kanyang mister.

Sinabi pa ni Vidad na una nang nagtangka na magbigti ang biktima subalit ito ay naagapan.