TUGUEGARAO CITY-Patay ang isang magsasaka habang dalawa ang sugatan matapos masangkot sa vehicular accident sa Bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang binabaybay ng suspek na si Garry Dolores, 29, ng Brgy Ammunitan ang kahabaan ng Brgy Pateng lulan ng kanyang motorsiklo nang biglang tumawid ang namatay na biktima na si Eddie Galyay, 46 ng Brgy. Tapel.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na nagawang iwasan ni Dolores ang biktima na sanhi ng pagkabangga.

Nagtamo ng malubhang sugat si Galyay sa katawan na sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang sugatan naman ang dalawang kapatid ni Dolores na kanyang backrider.

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting to homicide na nasa kustodiya na ng kapulisan habang nagpapagaling na sa pagamutan ang kanyang mga kapatid.

-- ADVERTISEMENT --