Patay ang isang 47-anyos na magsasaka matapos ma-suffocate sa loob ng isang balon na ginagamit sa patubig sa sakahan sa bayan ng Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Jaynard Donato, residente ng Brgy Tana, Amulung at caretaker ng isang sakahan sa Brgy Mambacag, Tuao.

Ayon kay PCAPT Jennifer Calauad, deputy chief of police ng PNP-Tuao, bandang alas 8:00 ng gabi nang bumaba sa siyam na metrong lalim na balon ang biktima upang ayusin ang baradong submerged pump.

Napansin umano ng isa sa kasamahan nito na nahirapang makahinga ang biktima hanggang sa tuluyang nahulog sa tatlong metrong lalim na tubig

Dahil sa masangsang na amoy mula sa balon ay naging pahirapan ang pag-rescue sa biktima kung saan tumagal ng isang oras at kalahati bago ito naiahon.

-- ADVERTISEMENT --