TUGUEGARAO CITY- Inihahanda na ang kasong murder laban sa isang magsasaka na nanaga at nanaksak sa kanyanhg kainuman sa Baggao, Cagayan.

Sinabi ni Pcapt. Juliferr Narag ng PNP Baggao, sa kanilang imbestigasyon, bago ang insidente, nadatnan ng suspek na si Herminio Asuncion ang biktima na si Eddie Peralta at isa pa na nag-iinuman sa kanyang bahay.

Nakipag-inuman na rin ang suspek sa biktima nang umalis ang kanyang kasama.

Habang nag-iinuman ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan hanggang sa masuntok ng biktima ang suspek sa kanyang mukha.

Dito na rin kinuha ng suspek ang kanyang itak at tinaga sa ulo at sinaksak sa dibdib ang biktima na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --