TUGUEGARAO CITY-Sinampahan ng kasong unauthorized selling of petroluem products ang isang magsasaka sa Piat,Cagayan

Ito ay matapos na mahuli sa akto na nagbebenta ng petroleum products na walang otorisasyon si Carlos Francisco,48, ng Gumarweng,Piat

Una rito,nagpanggap na buyer ang isang pulis sa tindahan ni Francisco kung saan ay binentahan naman siya ng apat na bote ng gasolina

Dahil dito,hinuli si Francisco at agad na isinailalim sa inquest proceeding

Sinabi ni Police Senior Inspector Gil Pagulayan,hepe ng PNP Piat,na nakuha sa pwesto ni Francisco ang 41 liters ng premium gasoline at 17 liters ng unleaded gasoline na nakalagay sa mga bote

-- ADVERTISEMENT --