Umaabot na sa 1, 097 na mga sibilyan ang namatay sa Iran sa patuloy na pag-atake ng Estados Unidos at Iran na nagsimula noong araw ng Sabado.

Ito ay ayon sa US-based Human Rights Activists News Agency (HRANA).

Kabilang sa mga namatay ang 168 na mga bata, 14 na mga guro sa pag-atake ng US at Israel sa isang elementary school noong Sabado.

Ayon naman sa World Health Organization, umaabot na sa 77 ang namatay sa pambobomba ng Israel sa Lebanon.

Kabilang sa mga namatay ang tatlong paramedics.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa 10 naman ang namatay sa pag-atake ng Iran sa Kuwait, kabilang ang anim na US service members, ayon sa US Central Command, at dalawang Kuwaiti service members.

Tatlong katao din ang namatay sa inilunsad na drones ng Iran sa United Arab Emirates, ayon sa defense ministry ng bansa.

Ang mga namatay ay Pakistani, Nepalese, at Bangladeshi.

Isa rin ang namatay sa Bahrain matapos na tamaan ng debris mula sa naharang na missile na nagbunsod ng pagkakasunog ng “foreign vesse” sa Salman Industrial City sa nasabing bansa.